
To couples: You’re not going to promise to each other that you won’t disappoint one another, because at some point, you will. What’s important is that you don’t run away, you don’t escape, and leave one another just because you were disappointed.
(Source: haponita)
Tadah~ Eto na ‘yung bago kong camera. Casio EX-ZR1000 at November 9, 2012 ni-release. Medyo kaparehas lang din siya nung camera ko dati na Samsung MV800 dahil flip out screen din. Yun nga lang, better quality at madaming effects. May fish eye siya, make-up mode, scenes, HDR, blurry BG at kung ano ano pa. Eto yung apat sa effect na meron ‘tong camera. Hindi pa ‘to lahat lahat, medyo tinamad lang akong mag picture. Hahaha! (´−`) ンー

Sa totoo lang medyo nahihirapan pa akong kuhanan ang sarili ko ng picture dahil di ko alam kung pasmado talaga ako o ano pero laging blurred. :( Hindi ko tuloy matry-try yung favorite kong make-up mode. Bale yung make-up mode, meron siyang 12 levels. Papakinisin at papaputiin ka nung mode na ‘yun. Pangalawa sa gusto ko sa camera na ito, meron siyang stand. So kahit wala kang tripod, at wala kang kasama para picturan ka, no problem! Kasi.. Kasi….

Yes, tumatayo siya mag isa. (ノ≧∀≦)ノ Pwede ding hindi patayo ang pagtayo niya. At hindi lang yon!! Hassle kung di-timer tapos i-cclick mo yung capture button tapos tatakbo ka para pumose diba? Madalas palpak kasi sobrang pag mamadali mo para makapose ng matino sa loob ng 3 seconds. Itong camera na to, hindi mo kailangan mag madali. Kasi?

Nakikita niyo ‘yung mark sign sa upper right? I-sswipe mo lang ‘yun! (hindi ko alam yung tamang word.) Basta tatapat mo yung kamay mo don, or ikakaway mo yung kamay mo tapos automatic na siyang mag bibilang ng 3 seconds. Ibigsabihin, kahit nasa malayo ka, kakawayan mo lang yung camera mo bibilang siya ng 3 seconds at kukuhanan ka na niya. Teehee~ (((o(*゚▽゚*)o)))

Eto ‘yung pinaka-ichura. May mga times na parang pagkakakuha nitong camera na ito eh parang DSLR pero minsan parang normal na digicam lang din. Kumbaga, minsan HQ minsan LQ depende siguro sa lighting pero para sakin, sobrang gusto ko. Para kasi akong merong DSLR na umiikot ang screen ‘yun nga lang, mas magaaan at madaling dalin kahit saan saan. Eto ‘yung camera na dadalin ko sa Korea. ヽ(*≧ω≦)ノ❤
Minsan iniisip ko kung gagawa ba ako ng panibagong blog para sa diary ko o dito ko nalang din isusulat. Ewan. Feeling ko kasi kapag pinost ko lahat ng gusto kong ipost dito, sobrang daldal ko. Lalo na hindi na ako halos naalala ng mga tao dito. Trololol~ Bukas, or baka mamaya ipopost ko na pala ‘yung masasabi ko sa camera kong binili. Nasa akin na siya. Ang adik ko lang, medyo napagsabihan pa ako ni Mama…
“Pang apat mo nang camera yan ah. Pupunta kana nga Korea bumili ka pa ng camera.”
“Syempre, camera for travel! Medyo kabisado mo ma? Hehehe.”
if im not hot in like 5 years im so done with everything
(Source: readmor)

(Source: infelice)
Pumunta kaming mall para kunin na ‘yung plane ticket namin papuntang Seoul, South Korea. At ngayon papunta na kami sa shop ng gadgets para bilin na yung camera na gusto ko at gagamitin for travel. Sobrang sayang mabili yung mga bagay na gusto mo sa sariling pera. Woot. Yey sa pay day! Hahaha
Hindi naman ako madalas mag sulat ng ganito, kasi ayokong mag mukhang paulit-ulit nalang at tila ba sinasabi ko lang ‘to para masabing matino ako. Ilang beses ko nang nasubukang mag sulat ng ganito ng wala namang naiisip na tao. Iniisip ko lang ‘yung lalakeng makikilala ko at papasayahin ako, hindi para sa laro o biro kundi para sa pag mamahal na totoo.
Darating ang panahon na makikita mo ‘yung mga ugaling hindi ko napakita noon. Syempre hindi pa tayo komportable at nanliligaw ka palang noon. Magkaron man ng mga panahong’ itutulak kita palayo, pero sana maintindihan mong sa mga panahon na ‘yon, yun talaga yung mga oras na kailangan kita sa tabi ko. Wala akong pakielam kung may lalakeng humarap sakin, na sa tingin mo eh mas gwapo, matalino, mayaman kesa sayo. Kasi para sakin, Ikaw lang lagi ang nasa top ng kategoryang hinahanap ng mga babaeng katulad ko.
Darating ang panahon na mas masasabik ka sa laro, laro kung saan nagkakabonding kayo ng mga kaibigan mo. Oo, mag tatampo ako, oo maiinis ako pero iintindihin kita kasi akin ka, pero alam kong may oras kang dapat ibigay sa iba. Aangkinin kita pero hindi ibigsabihin non eh sasakalin na kita. Di naman ako bumili ng aso na dapat hawak hawak ko dahil baka tumakbo. O asong bibitawan ko para habulin ako. Bakit ko naman ibibigay ang bag ko para hawakan mo? ‘Eh mas gugustuhin ko namang hawakan mo ang kamay ko. Maikli pa ito, at hindi ko na isusulat pa dito. Bakit? Syempre gusto kong Ikaw lang ang mismong makakaalam kung ano ako kapag ako ang girlfriend mo. :)
Ex: Just delete my number.
Me:♕
KEEP
CALM
IT WAS NEVER
SAVED
Papa Jack

(Source: mochacafe.net)
Siguro natural na sa mga magkasintahan ang minsang hindi pagkakaintindihan. Yung parang gusto mo ng i-give up yung relasyon niyo pero hindi mo naman siya matiis kahit isang araw man lang. Yung akala mo kakayanin mo na pero hindi mo naman mapigilang tingnan tingnan ang cellphone mo. Yung kada 1 new message eh umaasa kang siya na pero, GM lang pala.
Gusto mo na siyang i-text pero kinakain ka ng pride mo. Yung gagawa ka na ng message pero hindi mo masend kaya ise-save mo na lang sa draft mo. Bakit nga ba gusto mo laging Ikaw ang sinusuyo kung pwede namang ikaw naman ang magpakumbaba? Ngunit maiintidihan ko rin naman kung gaano kasarap ang makareceive ng isang “Sorry na, Mahal kita. Mahal na mahal.”


Happy Mother’s Day mama. I ♡ you. Mama, you know I love you. Mama, mama you’re the queen of my heart. Your love is like tears from the stars
Mama I just want you to know your love is like food to my soul. :’)
Gusto ko masubukan maging lalake, para malaman ko kung ano ang nararamdaman nila. Gusto ko masubukang manligaw ng babae, yung gumawa ng effort para mapasaya yung taong mahal mo. Gusto ko maramdaman kung gaano kahirap mang-approach ng taong sobra mong gusto. Gusto ko malaman kung gaano kahirap tuwing tinotopak yung taong gusto ko, kung gaano kasakit tuwing tinutulak niya ako palayo dahil wala siya sa mood. Gusto ko maranasang maging lalake kasi alam kong hindi madali.
Gusto ko maranasang maging lalake para maramdaman ko kung gaano kasaya tuwing napangiti ko ‘yung babaeng sobrang gusto ko. Yung babaeng pinili ko sa dinadami dami ng babae sa mundo. Gusto kong maramdaman ‘yung saya na makita siyang ngumiti at ako ang dahilan non. Gusto ko maramdaman kung ano yung pakiramdam kapag finally, sinagot na niya ako. Gusto ko din malaman kung mahirap bang maging loyal ang isang lalake, kung paano ba nila hina-handle ang temptations. At higit sa lahat? Gusto ko maramdaman kung ano ang pakiramdam ng lalakeng nag mamahal at nasasaktan.
| 4, 5, 6 | ||
◥ |
jcbuenaventura | |
3 things I love
4 turn ons
4 turn offs