Masarap sa pakiramdam tuwing pinupuri ng tao ang pagkuha ko ng mga litrato. Na ako daw yung inspirasyon nila sa photography. Sobrang nakakaganang lumabas at kumuha pa ng magagandang litrato dahil may mga taong nag aabang, at naiinspire sa simpleng bagay na ginagawa ko. Kung tutuusin, hindi naman talaga kagandahan ang camera na ginagamit ko. Entry level dslr nga lang ang meron ako. Ngunit nalaman ko base sa mga nakikita ko, Hindi naman talaga kailangan ng bonggang camera para makakuha ka ng magagandang litrato. Aanhhin nga ba ang isang Pro-DSLR kung hindi mo alam kung papaano makuha ang perfect angle ng subject mo, diba?
I love Photography. Kaya siguro gumaganda ang kuha ko dahil mahal ko kung ano ang ginagawa ko. That’s life. I feel happy. :)
