“Kaya mo bang mahalin ang isang taong, Mawawala rin sayo?”
Una, lahat naman tayo ‘eh pumapasok sa relasyon dahil gusto nating makasama yung taong yun habang buhay. Oups, mali pala. May mga tao palang pumapasok sa relasyon dahil trip-trip lang, o di kaya pang short time lang. Kapag nasa relasyon na tayo, lahat ginagawa natin para hindi mawala yung taong mahal natin. We do anything for relationship to last. Though, minsan, dahil kaya nating gawin ang lahat, dun pa sila nawawala.
Ngunit paano nga ba mag mahal ng taong destined na mawala rin sayo? Mamahalin mo ba kahit alam mong masasaktan kana nga, mawawala pa siya? O iiwasan mo na lang mahalin yung taong mahal ka pero hindi tama? Ika ko nga, walang mali sa pag-mamahal pero may mali sa minamahal. Hindi ka pwedeng mag mahal tapos sa huli ‘eh magiging desperada/desperado kang maagaw siya dun sa taong mahal niya ngayon. Ang pag-mamahal, hindi dapat yan gawa sa maruming paraan. Pure, Innocent, Peaceful and etc. Lahat ng mahahalimuyak na salita ay nasa loob ng salita o di kaya feelings na tinawatawag na, “Love / Pag-mamahal.” When we love someone, that person will always worth the pain. Kahit ang sakit sakit na, kahit mas mahaba na yung oras na nasasaktan ka. Dun mo malalaman kung gaano kalakas ang pwersa ng pag-mamahal.