» time 4 months ago   » notes 65

Bakit ayaw ko ng guy bestfriend?

Dahil darating at darating yung panahon na may isang maiinlove. At may isang hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay. At doon na simulang may masasasktan, may maiilang, may mawawalan. Kapag kasi tayo, Nainlove sa bestfriend natin na hindi naman tayo kayang saluhin, at dumating sa punto na nagkailangan na, doble ang sakit satin. Bakit? Kasi nawalan tayo ng taong minamahal at nag-iisang bestfriend natin. Habang sakanya, nawalan siya ng Bestfriend pero hindi ng taong minamahal.

Hindi naman kasi lahat ng bestfriend-lovestory ay magiging kagaya ng pelikulang Paano na kaya. Dahil tayo, eto ‘yung totoong buhay. Hindi scripted, hindi planado. Hindi guaranteed ang happy ending kasi buhay natin ‘to. Hindi pwedeng i-edit, hindi pwedeng i-replay. Mahirap ma-inlove sa isang bestfriend, sila kasi yung taong Ideal para satin. Kapag nawala sila, mapapatanong kana lang sa sarili mong, “Meron pa kayang katulad niya?”