» time 4 months ago   » notes 17

Kahit ang babaeng ubod ng ganda ‘eh nai-insecure din.

Natural na siguro sa babae yung makaramdam jealousy sa mga ibang babaeng nakikita niya. Yes, even the prettiest girls in town. Ang babae kasi, sad to say, madaling mainggit. At karamihan naman ‘eh ayaw nagpapatalo dahil palaban. Kumbaga, ayaw nilang nakakabugan na minsan ‘eh hindi naman masama at minsan naman ‘eh umaabot na sa level na hindi na matino at hindi na maganda para sa isang babae.

Alam niyo bang kahit ang isang payat na babae, kapag sinabihan mo ng mataba, ay nasasaktan? Oo, lalo na kung guilty siyang tumataba na siya o di kaya lumolobo na. What more kung sa taong tunay na malaman mo sinabi ang salitang, Mataba o Baboy? Masakit sa totoo lang. Ako, kami, bilang isang babae, sobrang masaya kaming nakaka-tanggap ng compliments kahit nagpapaka-humble kami ng bongga. At kung tatanongin, mas gusto naming nakakatanggap ng compliment mula sa lalake. Hindi dahil malandi. Kundi dahil alam naming magaling ang mga lalakeng tumingin ng isang tunay na magandang dilag.