» time 4 months ago   » notes 6

The power of physical appearance.

Maraming taong biniyayaan ng maganda o di kaya gwapong pagmumukha. Matangkad, maputi, makinis at matangos ang ilong. Hindi ko nga alam kung kailan nag simula yung basehan na, Kapag matangos, maganda tingnan. Kapag pango, hindi maganda tingnan. O di kaya bawas points yun sa pagiging good-looking ng isang tao. Naniniwala din akong kapag ang isang babae ‘eh may hater, 98.9%, babae ang hater niya. Bakit? Babae lang naman kasi ang madalas naiinsecure at na-coconscious. 

Nakakainggit naman talaga kasi kapag maganda/pogi ang isang tao. Laging napapansin, laging nabibida, madalas ‘eh sumisikat. Saka kahit naman sino ‘eh gusto sa isang magandang babae o di kaya gwapong lalake. Kapag nakatingin tayo sa isang group picture ng unknown people, meron tayong factor na naghahanap tayo ng pogi o di kaya magandang tao doon sa litrato. *aminin*

At siguro, Ikaw, minsan mo na ring naranasan ang pagtingin ng sarili sa salamin habang narerealize kung gaano ka kapangit. (Na, hindi naman talaga totoo. Masyado lang nating kinukumpara yung sarili natin sa isang tao. Sa taong gusto nating maging katulad.)