Kapag Ikaw na ang nag tatrabaho, Malalaman mo.
Inaamin ko ring dati ‘eh sadyang spoiled brat ako. Hindi ko kasi naiisip kung gaano kahirap kumita ng pera dahil hindi naman ako ‘yung nahihirapan o nag tatrabaho. Lahat ng cellphone ko ay hindi umaabot ng taon, laging buwan lang. At hihiling na ulit ako ng panibago o di kaya hihingi ako ng pera para makabili ng panibago.
Ngayong nag tatrabaho na ako, dun ko nalaman kung gaano kahirap ibigay yung sarili mong sweldo para sa ibang tao. Na parang ako ‘yung nag hirap pero iba ang makikinabang. Ang sakit at nakakatamad harapin ‘yung kinabukasang mag tatrabaho ka pero hindi lahat ng pinaghirapan mo ‘eh mapupunta sayo. Ang sarap magkaron ng gadgets na binili mo sa sarili mong pera. Kayang kaya mong ipagmalaki na, pinaghirapan mo kung ano ang meron ka.