» time 4 months ago   » notes 16

“Crush.”

Tinatawag natin silang “Crush” kasi sila yung taong hindi mapapasatin. Hindi naman sa lahat ng panahon pero mas madalas nangyayari yung laging one sided like/crush. Sila kasi yung taong mahirap abutin kahit normal na tao lang naman. Sila kasi yung taong nakakataranta kapag nasa malapit kahit hindi naman artista. Sila kasi yung effortless pero ang lakas ng dating para satin. 

Alam kong lahat ay nakaranas at minsan nang ginawa ‘to. Yung alam mong malapit siya sayo at nakatingin siya sayo kaya ngumingiti ka. Yung bang umaasa kang baka ma-realize niya yung “Wow, ang ganda/gwapo niya pala.” kaya todo bigay ka sa pag ngiti’t tawa. Uyy, aminin. Kadalasan, kapag napagod na tayo kaka-asa sakanila at natuyo na ang paghangang/pagkagusto na nararamdaman natin para sakanila, dun sila mag bibigay chansa at pag-asa. At isa pa, kapag may nalaman kang may girlfriend/boyfriend/crush na pala ang crush mo, Todo emo ka na parang Ikaw ang jowa niya.