» time 3 months ago   » notes 11

Feels like losing all my close friends.

Ako naman ang may gusto nito diba? Pero bakit ang sakit sakit. Minsan kong inisip na dumistansya sa mga taong napapalapit sakin dahil alam kong magbabago lang rin naman sila’t ipag-papalit ako sa bagong magiging kaibigan nila. Sa totoo lang, wala na akong nakakausap. Sobrang minsan na lang na may nakaka-message ako. Nagugulat na nga ako kapag may nag wawallpost sakin sa Facebook ‘eh. Parang, Wow! May nakakaalala pa pala sakin. 

Saka minsan may nahahalata din ako sa mga dati kong ka-close na babae sa Facebook. Lina-like nila lagi yung mga photos na inuupload ko na gamit ko. Pero kapag picture ko na, tinatalunan. Well, hindi naman ako uhaw sa likes na ‘yan. Napaka-weird lang ng dating sakin. Napaghahalataan ko lang.

Online buddies? Wala na ata ako nyan. /Laslas