» time 3 months ago   » notes 15

Siya ‘yung isa sa sa pinaka-iniidolo at isa sa pinaka-magandang babaeng kilala ko. Hindi ko nga akalain na makakausap ko siya at mapapansin niya ako. Syempre, hindi naman kami magkalahi. Oo, isa kasi siyang Koreana. Nung minsan akong na-adik sa KPOP, nagustuhan ko ang Korea at ‘yun na rin ang naging dahilan para malaman ko yung tinatawag nilang Ulzzang. Ulzzang kasi siya at ang ibigsabihin ng ulzzang ay ‘Best face.’ 

Hindi talaga ako makapaniwala na magaling siyang mag Japanese. Minsan ko kasing nakita ang twitter niya’t Japanese ang nakasulat. Tinry ko siyang kausapin sa lengguaheng alam ko. Nag japanese ako sakanya at ‘yun! Nagkaintindihan kami. Sobrang sarap sa pakiramdam na makausap ko siya sa language na alam ko talaga. Sa language na hindi ko na kakailanganin ng Google Translator. Napaka-down to earth niya’t napaka-kyut. :”> Sobrang reward lang na minsan ‘eh sinasabi ng iba na kahawig ko siya. At minsan ring nasabi ‘yun ni @Martsingson. Ah basta, di naman ako BI. Iniidolo ko lang talaga ang kagandahan niya’t kabaitan niya. RHJ!