Ang isang blogger, mahina at malakas.
- Mahina
Mahina dahil sa abot ng makakaya natin, ayaw nating i-follow tayo ng mga taong kilala natin sa personal. Ayaw rin nating mabasa nung taong pinaka-dahilan ng post natin dahil baka ikasimula ng away.
- Malakas
Malakas dahil hinahayaan nating i-follow tayo at mabasa ng mga taong hindi natin kilala ang mga personal na bagay sa buhay natin. Malakas dahil nag popost tayo ng mga sarili nating rants kahit alam namang natin may mga mag rereact o di kaya’y minsan nga ‘eh pinag sisimulan ng away.