Sana ‘eh wag mo na gaanong bilangin ang mga dumadaang araw na tayo’y magkasama. Alam mo para sakin? Wala na naman kasi ‘tong katapusan. Gusto kitang makasama ngayon at magpakailanman. Maaring maisip mong ang corny ko naman, maaring isipin mong gusto ko lang namang magpakilig pero hindi ‘eh. Hindi ko nga maitindihan pero wala na kasi akong makitang pwede kong makasama kundi Ikaw lang.
