Siguro kung may boyfriend man ako, kabado akong ibibigay ‘yung ginawa kong home-made-chocolates. Malamang sa malamang ‘yun ay dahil di ako sigurado kung magugustuhan niya ang pagtancha ko ng tamis ng chocolate. Hindi ko alam kung kahit papano ‘eh mapapasaya ko siya sa chocolate. O di kaya parang wala lang sakanya kahit sa loob loob ko ‘eh nag wiwish akong sana ‘eh magustuhan niya. Na sana mapasaya’t ma-surprise ko siya. Simple lang naman talaga ang hangad ko. Gusto ko lang maramdaman niya yung pakiramdam na first time niya lang mararamdaman. Yung bang kahit alam kong may mga naging girlfriend na siya bago ako, gusto ko maparamdam sakanya yung pakiramdam na ni minsan ‘eh hindi niya pa naramdaman.
Dear future boyfriend, baka sa ngayon ‘eh may iba kapang kasama. O di kaya katulad kong nag hihintay lang gumalaw ang tadhana’t matagpuan ka. Kahit nasaktan na ako at masasaktan ulit ako sayo, kakayanin ko. Kasi ganun naman talaga kapag tunay na nag mamahal diba? Nasasaktan pero worth it naman. :’)
