I miss being Inlove..
Nakakamiss rin magkaron ng rason para mag online. Nakakamiss din ‘yung pakiramdam na may naalala kang isang spesyal na tao sa isang kanta. Nakakamiss din magpaganda/magpagwapo para sa isang tao. Nakakamiss makipag text at hindi nauubusan ng topic. Yung mga simpleng Kain kana po. I love you. Wag kang papalipas ng gutom ha? ‘eh buo na agad ang araw mo. Unting unting bumbaba ang kaligayahan mo basta siya ang rason. Simple bagay lang ‘eh na-aappreciate mo na. Siguro isa rin yun sa power ng pag-mamahal.
Yung magiging first picture niyo together with that awkward smile. Nahihiya pa, naiilang pa. Ngunit kapag uwi niya, sobrang titig naman sa litratong nakuha. Nakakamiss magkaron ng inspirasyon sa buhay. Yung isang taong nilu-look forward mo araw-araw. Yung taong nagiging rason sa magaganda mong post sa blog. Yung mga monthsary na talaga namang pinag hahandaan. Hays! Love nga naman.