» time 3 months ago   » notes 10

Yung taong laging nakikipag-away gamit ang STATUS.

Di nga teh? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo na lang siya i-PM at saka ka makipag away o di kaya makipag-ayos? Sa totoo lang, you’re just putting yourself down. Ginagawa mong low profile ang sarili mo. Bakit? Yang status na puro mura’t kaburaotan para sa isang tao ‘eh sa wall mo lang naman mapupunta. Oo nga, baka nga sakaling tamaan siya pero teka, Kaninong wall ba nakapost yang status na puno lang naman ng hinanakit? Puro angal, puro mura, puro lait pero hanggang status lang naman. 

Feel na feel mo nang ang tapang tapang mo. Feel na feel mong ang tapang tapang ng tingin ng ibang tao sa’yo. ‘Eh hanggang STATUS ka lang naman. Duwag makipag harapan, duwag derechuhin ang taong gustong patamaan. Matapang ka nga ba? O nag tatapang-tapangan lang?